Unified Legal Aid Service Rules ng IBP, pinuri ni PBBM

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pagtataguyod ng rule of law bilang pundasyon ng demokrasya.

Ayon kay PBBM, ito na ang tamang panahon para pagtibayin ang sama-samang paninindigan para sa rule of law.

Pinuri ng Pangulo ang mga inisyatibo ng IBP gaya ng Unified Legal Aid Service Rules na nag-oobliga sa mga abogado na mag-render ng hindi bababa sa 60 oras ng pro bono legal aid kada tatlong taon.


Binanggit din niya ang Secure Justice Hubs bilang mahalagang hakbang upang gawing abot-kamay ang hustisya para sa marginalized communities.

Kasabay nito, pinuri ni Pangulong Marcos ang law profession, hindi lamang dahil sa papel nito sa lipunan kun’di dahil na rin sa mga abogado sa kanyang buhay mula sa kanyang ama, mga katuwang nito sa gobyerno, hanggang sa kanyang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Facebook Comments