Unionbank, masusing iimbestigahan ang kanilang cash unit head na kumulimbat ng 17 million pesos

296

Manila, Philippines – Arestado ang isang babaeng cash unit head ng isang bangko matapos magnakaw ng mahigit 17-milyong pisong cash sa pinagtatrabahuan nito sa barangay san Antonio, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Mariebel Osorio, 41-anyos bunsod ng mga reklamo ng union bank of the philippines.

Sa ulat, nadiskubre ang pagnanakaw ng suspek ng 17,029,900 pesos mula sa Ortigas cash center ng Union Bank Plaza.


Batay sa reklamo, sinamantala umano ng suspek ang tiwala nila sa kanya at nagsagawa ng hindi awtorisadong cash transfer.

Samantala, sa ipinadalang e-mail ng Unionbank sa RMN, tiniyak nito na masusi ang isinasagawa nilang imbestigasyon.

Iginiit din ng Unionbank na walang kinalaman sa cybersecurity o cybercrime ang nangyaring pagnanakaw.



Gayunpaman, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong qualified theft.

Facebook Comments