
Sa katatapos lang ng ikalawang PH-UK Strategic Dialouge, sa London, nakipagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo kay United Kingdom National Security Adviser (NSA) Jonathan Powell.
Sa isang high-level engagement sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom na ang layunin ay paigtingin at palawakin ang partnership ng dalawang bansa sa trade, maritime, defense, and economic cooperation at bilateral engagements, pinag-usapan din ang tungkol sa regional security issues ng South China Sea sa sigalot ng mga bansang kasapi sa ASEAN.
Dito ay nagpahayag ng suporta si UK National Security Adviser Powell sa posisyon ng Pilipinas sa issue sa South China Sea.
Ikinalugod ni DFA Secretary Manalo na ang paninindigan ng dalawang bansa ay nakabase sa pandaigdigang batas at alituntunin ng Indo- Pacific.
Sinabi rin ni Manalo na higit na pinagtitibay nito ang ugnayan ng Pilipinas at United Kingdom.