“Unity Ride for a Cause” ng BJMP, isinagawa ngayong Araw ng mga Puso

49

Umarangkada kaninang umaga sa San Juan City ang “Unity Ride for a Cause” para sa mga motorcycle rider kasabay ng Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Ang proyekto ay inisyatibo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na layong makalikom ng pondo na gagamitin sa pagpapagawa ng “new normal” visitation area ng San Juan City Jail Male Dormitory .


Ayon kay BJMP-NCR Regional Director Chief Supt. Luisito Munoz, sinimulan ang unity ride sa San juan City hall hanggang sa Barangay Pinugay sa Baras, Rizal .

Pagdating ng mga riders sa kanilang destinasyon, sunod na gagawin ang feeding program para sa 100 bata sa lugar.

Kasama sa aktibidad si San Juan City Mayor Francis Zamora, mga tauhan at opisyal ng BJMP at kilalang personalidad.

Facebook Comments