‘Unity Walk’ Peace Covenant Signing sa Gamu, Isabela, Nilangaw!

69

*Gamu, Isabela- *Nilangaw ang isinagawang Peace Covenant Signing ng mga kandidato at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kahapon sa bayan ng Gamu pangunguna ng Commission on Election ng Isabela.

Sa mahigit apatnapung kandidato sa Provincial Level ng Isabela ay umabot lamang sa walong kandidato ang dumalo sa nasabing pagtitipon.


Sa pagtutok ng 98.5 RMN Cauayan, kapansin-pansin na mas maraming dumalo sa panig ng PNP at AFP kumpara sa mga kandidato na inaasahang mangunguna sa naturang aktibidad.

Hindi umano nakarating ang ilang kandidato dahil huli na nang maabisuhan ang mga ito habang ang iba naman ay sadyang hindi na sumipot dahil hindi umano naniniwala ang mga ito na susunod ang ibang mga kandidato sa mga napag-usapan.

Magugunita na layon ng Peace Covenant Signing na magkaroon ng maayos, malinis, payapa, patas at tapat na halalan ngayong 2019 midterm elections.

Samantala, inihayag na ni Isabela Provincial Director Police Colonel Mariano Rodriguez na wala ng susunod na Peace Signing ngayong taon dito sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments