Universal Health Care Bill, posibleng pirmahan ngayong araw

Nakatakdang lagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care Bill.

Sa ilalim ng panukala, libre na ang pagpapagamot ng lahat ng mga Pilipino sa mga pampublikong ospital.

Libre na ring makukuha ng mga Pinoy ang mga kailangan nilang gamot.


At higit sa lahat ay hindi na kailangan pang maging miyembro o magbayad ng premium ng mga benepisaryo.

Facebook Comments