
Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Robert Nazal na alisin na sa taunang pambansang budget ang “unprogrammed appropriations.”
Binigyang-diin ni Nazal na ang unprogrammed funds ay nagiging daan sa labis na paggastos na posibleng magpahina sa disiplina at pangangasiwa sa pera ng bayan.
Sabi ni Nazal, sakaling magkaroon ng bago o sobrang kita ang gobyerno ay mainam na magpasa ng supplemental budget sa halip na ipasok ito sa unprogrammed funds na kadalasan ay naaabuso at pinagsasamantalahan.
Ang mungkahi ni Nazal ay bilang suporta din sa isinusulong nina Senate President Vicente Sotto III at ilang Senador na ipagbawal ang unprogrammed funds sa 2026 national budget.
Facebook Comments









