UP graduate, top notcher sa 2020 Physician Licensure Exam

127

Top notcher mula sa 3,500 examinees na pumasa sa 2020 Physician Licensure Examinations nitong Nobyembre ang graduate ng University of the Philippines-Manila.

Sa listahang inilabas ng Philippine Regulation Commission, nagtala ng 88.67% si Jomel Garcia Lapides para pangunahan ang examinees na pasok sa top 10.


Nasa ika-limang pwesto naman si Tiffany Uy, na graduate din ng UP-Manila.

Nakilala si Uy noong 2015 nang magtapos itong Summa Cum Laude sa UP noong 2015 na may general weighted average (GWA) na 1.004, ang pinakamataas na marka sa kasaysayan ng UP Diliman simula noong World War II.

Kabilang rin sa mga nakapasa sa licensure exam ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia at ang anak na lalaki ni dating National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Tony Leachon na si Jolo.

Samantala, nagtala naman ang Cebu Institute of Medicine ng 100% passing rate, na pinakamataas sa lahat ng medical schools sa buong bansa.




Facebook Comments