UP, handang makipagdayalogo sa DND para sa pag-usapan ang 1989 accord

20

Handa ang University of the Philippines (UP) na makipagdayalogo sa Department of National Defense (DND) para pag-usapan ang nangyaring unilateral abrogation sa 1989 accord.

Sa statement ng UP, ikinalulugod nila ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bukas siyang makipag-usap sa kanila.


Naniniwala ang UP na mareresolba ang isyu kapag naging bukas lamang at may respeto sa isa’t isa ang bawat institusyon.

Hinihingi na lamang ng unibersidad ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang dayalogo.

Facebook Comments