UP Maroons, pasok na sa finals ng UAAP 84

Pasok na sa finals ng UAAP Season 84 ang University of the Philippines (UP) matapos manalo kontra De La Salle University sa score na 78-74.

Binuhat ni UP Maroon rookie Carl Tamayo ang koponan na nakapagtala ng 19 points.

Lamang pa ng La Salle sa iskor na 71-61 sa natitirang apat na minuto ng laro nang umarangkada si Tamayo.


Nabatid na ito ang unang pagkatalo ng La Salle sa loob ng tatlong taon.

Dahil dito ay makakaharap ng UP Maroons ang Ateneo para sa best-of-three finals na magsisimula sa Mayo 8.

Facebook Comments