UP, nanawagan ng tulong matapos ang PGH fire

Umaapela ngayon ang University of the Philippines – Office of the Student Regent (UP-OSR) ng donasyon para sa Philippine General Hospital (PGH) kasunod ng nangyaring sunog sa bahagi ng gusali nito kaninang madaling araw.

Gamit ang hashtag na “#PGHNeedsHelp”, sinabi ng UP-OSR na magbibigay sila ng tubig, face mask at pagkain katuwang ang Tulong Kabataan.

Tumatanggap din sila ng donasyon, in kind at in cash.


Nangangailangan din anila ang ospital ng industrial fans para tuluyang itaboy ang usok bunsod ng sunog gayundin ng mga oxygen tank at sapin sa kama.

Facebook Comments