UPDATE | 2 pulis sugatan, 1 pa missing in action matapos salakayin ang isang police station sa Northern Samar

279

Northern Samar – Sugatan ang dalawang pulis habang missing in action ang isa pa matapos magkaengkwentro at salakayin ng nasa isang daang New Peoples Army (NPA) ang Lapinig Municipal Police Station kaninang madaling araw.

Sa ulat ng Lapinig PNP, ala 1:44 ng madaling araw kanina ng atakihin ng mga NPA ang police Station.

Armado ang mga ito ng mga high powered firearms partikular ang UIZ, M14, M203 at K3 sub machine gun.

Nagtagal ng labing limang minuto ang sagupaan bago nagsitakas ang mga NPA.

Kinilala ang dalawang sugatang pulis na sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere.

Missing in action naman si PO2 Mark Mejedo.

Sa ngayon nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang matunton ang mga sumalakay na NPA at matukoy ang kinaroonan ng missing in action na pulis.

Facebook Comments