UPDATE: Imbestigasyon sa Pamamaril sa Dating Opisyal ng PNP, Patuloy!

*Echague, Isabela-* Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pamamaril sa isang retiradong opisyal ng PNP partikular sa labas ng sabungan sa Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Major Andy Orilla, hepe ng PNP Echague, ang biktima na si retired Police Lt. Col. Danny Alingog, dating hepe ng PNP Angadan, Isabela at residente ng Brgy Fugaru, Angadanan, Isabela ay pinagbabaril kahapon ng hapon ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo habang ito ay pasakay sa kanyang sasakyan matapos manggaling sa loob ng WML Cockpit Arena.

Ayon kay P/Major Orilla, planado ng mga hindi pa matukoy na riding in tandem criminals ang pamamaslang sa retiradong pulis kung saan maraming anggulo ang tinitignang motibo ng PNP Echague kaugnay sa naturang pamamaril.


Dagdag dito, patuloy rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa apat na magkakakunsyabang suspek.

Facebook Comments