UPDATE | John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, balik party mode na raw?

Manila, Philippines – Mistulang back to party mode na muli ang celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ilang buwan ito matapos na isilang ng sexy actress ang anak nila ng aktor noong June 27.

Magkasama umanong dumalo sa isang party noong Sabado ang dalawa.


Bagaman at nasisilayan na ulit ng publiko sa kanilang social media account partikular sa instagram, wala pa ring kasiguraduhan kung kailan babalik sa showbiz ang magkasintahan.

Samantala, usap-usapan din ngayon ang video ng isang sanggol sa instagram account na @dumpsitegallery noong Lunes.

Marami kasi ang nagtatanong kung ito raw ba ang baby nina John Lloyd at Ellen.

Facebook Comments