UPDATE: Lalaking Napatay Matapos Umiwas sa Checkpoint at Naghagis ng Granada sa mga Pulis, Nakilala Na!

116

*Roxas, Isabela-* Nakikilala na ang suspek na nabaril at napatay ng kapulisan makaraang umiwas sa checkpoint at hagisan ng Granada ang mga humabol na pulis sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, ang hepe ng PNP Roxas, kinilala ang suspek na si Max Saquing, 22 anyos, walang trabaho at residente ng Santo Tomas, Isabela.

Matatandaan na noong ika-labing-sa ng Hulyo habang nagsasagawa ng checkpoint ang ilang elemento ng PNP Roxas sa kahabaan ng naturang lugar ay biglang umiwas ang suspek lulan ang itim na motorsiklo.

Hinabol ng kapulisan ang motorsiklo ng suspek subalit hinagisan nito ng granada ang mga humabol na pulis na sumabog sa likuran ng kanilang Patrol car at nang muling maghagis ng hand grenade ang suspek ay dito na pinagbabaril ng kapulisan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, napag-alaman rin ng kapulisan na bago ang pagkapatay kay Max Saquing ay nasangkot ito sa kasong Carnapping kung saan lulan nito ang kanyang tinangay na motorsiklo na pagmamay-ari ng biktimang si Helen Reyes Deray.

Facebook Comments