UPDATE | Pamilya ng lola na nabagsakan ng crane ng Manila Water, hindi papa-areglo

89

Manila, Philippines – Galit na galit ang pamilya ng nasawing 74-anyos na lola matapos na mabagsakan ng nabaling crane ng Manila Water sa Pag-Asa Compound, Barangay Old Balara, Quezon City.

Una rito, nagwawalis sa kanilang bakuran ang biktimang si Rosalinda Mendez nang maputol ang crane sa ginagawang proyekto ng Manila Water.

Naisugod pa sa ospital ang lola pero binawian din ng buhay.

Nanindigan naman ang pamilya ng biktima na hindi sila magpapa-areglo.

Pebrero pa nang ireklamo ng mga residente sa lugar ang ingay ng mga trabahador na 24 oras na nagtatrabaho, bukod pa ang umano’y mga substandard na gamit ng JV Corp.

Ipinarating na rin daw nila ito kina mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte pero walang naging aksyon hinggil dito.

Facebook Comments