UPDATE | Suspek sa pammumugot sa dalawang magsasaka sa bayan ng Parang, Maguindanao, tukoy na

163

Maguindanao – May suspek na ang kapulisan ng Parang Municipal Police Station sa pamumugot sa 2 magsasaka sa Barangay Gumagadong Kalawag sa bayan ng Parang Maguindanao na nangyari noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang dalawang magsasaka na sina Ceasar Fermin 42 at Jabon Bistas 21 pawang residente ng Gumagadong Kalawag.


Sinabi ni Police Superintendent Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang-PNP may pangalan na sila ng mga suspek ngunit tumanggi na muna itong pangalanan.

Ayon pa kay Superintendent Jambiran, sa pagtutulungan ng kapulisan, kasundaluhan at ng lokal na pamahalaan ng Parang at Barira ay natukoy ang mga salarin.

Dakong alas nueve ng gabi noong Biyernes ng umalis ng kanilang bahay ang mga biktima at nagtungo sa coconut farm upang doon matulog ngunit kinabukasan ay natagpuan na ang bangkay ng dalawa na pugot ang ulo.

Linggo ng tanghali ng matagpuan ang kanilang pugot na ulo sa kalapit na bayan ng Barira, Maguindanao.



Facebook Comments