UPDATE | Suspek sa panggagahasa sa isang kinder sa Makati City, hawak na ng pulisya

Makati City – Hawak na ng mga otoridad ang 23-anyos na lalaking suspek sa panggagahasa sa isang kinder na nag-aaral sa Pembo Elementary School sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Junnel Gargavite, estudyante ng Motessori Professional College sa nasabi ring lungsod.

Ayon kay SPD Spokesperson Superintendent Jenny Tecson, naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya sa Barangay Sulipan sa Apalit, Pampanga.


Base sa inisyal na impormasyon mula sa nag-viral na post sa social media sabay na inihatid sa school ng kanyang guardian ang 5-anyos na biktima at kapatid nitong sped.

Alas otso pa ang klase ng biktima habang alas sais ang kanyang kapatid kaya mas nakatutok ang atensyon ng kanyang guardian sa kanyang kapatid.

At dahil wala pa siyang classroom, isang lalaki umano ang lumapit sa biktima at dinala ang bata sa isang tagong basurahan malapit sa paaralan kung saan ginawa ang panggagahasa.

Nang makita ang biktima, madumi na ito, basa ang uniporme at baligtad ang pagkakasuot ng jogging pants.

Inihahanda na ang pagsasampa kay Gargavite ng kasong paglabag sa R.A. 8353 o rape.

Tumanggi naman nang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Pembo Elementary School dahil na-iturn over naman na raw sa pulisya ang kaso.

Facebook Comments