Updated narco-list, hawak na ng Directorate for Intelligence ng PNP

Manila, Philippines – Hindi pa nababasa ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang updated drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay dela Rosa, hawak na ngayon ng PNP Directorate for Intelligence ang naturang kopya.

Siniguro ni PNP Chief na ang bagong listahan ng pangulo ay resulta ng pangangalap ng impormasyon ng PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang intelligence community.


Una nang ibinida ni Pangulong Duterte ang updated drug list nang makaharap ang mga kinatawan ng mining companies sa palasyo ng Malakanyang noong Agosto 3.

Facebook Comments