URDANETA CITY HALL, BANTAY-SARADO NG MGA KAPULISAN ALINSUNOD SA IPINATUPAD NA SUSPENSYON SA ALKALDE AT BISE

Nakapalibot ngayon ang ilang mga kapulisan sa Urdaneta City Hall bilang pagbibigay seguridad sa pagpapatupad ng suspension order ng alkalde at bise-alkalde mula mismo sa Office of the President.

Mayroong nakadeploy ng mga pulisya sa bawat entrance at exit ng city hall dahilan na saklaw ng kautusan ay ang pagbawalang makapasok sa bisinidad ang dalawa.

Nitong ika-14 ng Marso, matatandaan na nagtungo ang mga kawani mula sa Department of Interior and Local Governance Region 1 kasama ang PNP upang isakatuparan umano ang matagal nang inisyung suspension order laban sa dalawa.

Matatandaan na ito ay nag-ugat sa kasong may kaugnayan sa Grave Abuse of Authority at Grave Misconduct na pinirmahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin nitong ika-3 ng Enero, kasalukuyang taon.

Hanggang sa Kasalukuyan patuloy na nakikipag ugnayan ang IFM Dagupan upang makuha ang panig nina Urdaneta City Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments