URDANETA CITY POLICE STATION, NAGBIGAY PAALALA AT GABAY PARA SA NALALAPIT NA

Sa papalapit na pagbubukas ng klase, muling nagpaalala ang Urdaneta City Police Station sa mga magulang na maging aktibo sa paghahanda ng kanilang mga anak—hindi lamang sa gamit, kundi higit sa lahat sa kaligtasan, kalusugan, at tamang asal sa paaralan.

Bilang gabay para sa isang ligtas at maayos na balik-eskwela, dapat na alamin ang Mahahalagang Petsa, Oras, at Patakaran ng Paaralan.

Dapat na ihanda rin ang gamit at kaisipan ng mga bata maging ang ukol sa kaligtasan sa gitna ng kalsada at disiplina.

Siguraduhin din na nakakakuha sila ng sapat na tulog, maayos na nutrisyon, at oras para sa pahinga.

Samantala, Patuloy na nakahanda ang Urdaneta City Police Station na magbigay ng seguridad at suporta sa mga paaralan upang masiguro ang kapakanan ng kabataang mag-aaral.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments