Urgent motion, inihain ng MMDA sa Korte Suprema para alisin ang TRO sa No Contact Apprehension Policy

Naghain ng urgent motion ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Korte Suprema para alisin ang temporary restraining order (TRO) sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa ambush interview kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, bagama’t hindi respondent ang MMDA sa kaso ay agad na lamang nilang sinolusyunan ang mga issue sa NCAP.

Ginamit din nilang argumento ang urgency sa paggamit ng NCAP para naman sa EDSA rehabilitation.

Facebook Comments