US ambassador, bumisita sa drug rehabilitation center sa Camp Bagong Diwa

145

Manila, Philippines – Nagtungo kanina sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at US ambassador to the Philippines Sung Kim.

Ito ay para personal na bisitahin ang Dept. of Health treatment and drug rehabilitation center sa loob ng kampo.


Ngayong hapon, nakatakda namang magsagawa ng briefing si Cayetano sa mga miyembro ng Diplomatic Corps sa DFA Building sa Pasay City.

May kaugnayan ito sa kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao sa harap ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute Group sa Marawi City.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments