US government, nakatakdang magbigay ng $4 billion sa Covax Facility

21

Nakatakdang magbigay ang US Government ng $4 billion bilang tulong pinansyal sa Covax Global COVID-19 vaccination program.

Ayon sa isang opisyal ng White House, ang paunang $2 billion ang ilalabas na sa katapusan ng Pebrero.


Anila, bagamat prayoridad ang kanilang mga residente, ang pagtulong sa ibang bansa ay malaking ambag sa patuloy na paglaban ng mundo sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ang Covax ay isang global project na tumutulong sa mga mahihirap na bansa na makabili at makapagpamahagi ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments