US House Judiciary Committee, papatunayang lumabag si Trump ng obstruction of justice

39

Nangangalap na ng dokumento ang US House Judiciary Committee para alamin kung lumabag ba sa obstruction of justice at abuse of power sa US President Donald Trump.

Aabot sa 60 individuals at entities ang pinadalhan ng request ng komite.

Naniniwala si Committee Chairperson Jerrold Nadler – ang anumang impeachment move ay nakadepende sa resulta ng pagdinig.

Una nang itinanggi ni Trump na may nilalabag siya at inaakusahan ang democrats na may pakana nito.

Sa ngayon, dominante ang Democrats sa kanilang Kamara habang hawak naman ng Republicans ang US Senate.

Facebook Comments