US, muling papatawan ng sanctions ang Iran kasunod ng pag-atake sa Saudi Arabia

220

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na papatawan muli ng sanctions ang Iran sa susunod na 48 oras.

Ito’y kasunod ng pag-atake sa Saudi Arabia kung saan ang Iran ang itinuturong nasa likod nito.


Ayon kay Trump, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon sa Middle East at hindi magbabago ang kanyang pasya hinggil dito.

Hindi pa malinaw kung saang sektor o kung kanino direktang ipapataw ang bagong sanction.

Matatandaang iprinisinta sa publiko ng Saudi Arabia ang mga natira o mga pirasong naiwan mula sa drones at missiles na ginamit sa pagpapasabog sa kanilang oil facility.

Facebook Comments

From Advertisers