US Pres. Biden, umaasang palalawigin ni Pangulong Duterte ang VFA

39

Umaasa si US President Joe Biden na makita si Pangulo Rodrigo Duterte ng personal.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, sumulat si President Biden kay Pangulong Duterte para sa paggunita ng ika-75 taong diplomatic ties ng Amerika at Pilipinas sa Hulyo.


Aniya, nais ng Amerika na mapanatili ang kanilang magandang ugnayan sa Pilipinas na tinuturing nilang mahalagang kaalyansa.

Maliban dito, sinabi ni Romualdez na umaasa rin si President Biden na palalawigin pa ni Pangulong Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng dalawang bansa na parte ng Mutual Defense Treaty.

Facebook Comments