US President Donald Trump – nag-alok upang mamagitan sa diplomatic crisis sa Middle East

Qatar – Nag-alok si US President Donald Trump na mamagitan sa away ng Qatar at mga gulf states.

Mismong ni Trump ang tumawag sa emir ng Qatar para sabihin ang kahadaan niyang mamagitan sa krisis.

Sa statement ng White House, kabilang sa inialok ni Trump ang pakikipagpulong sa mga sangkot na bansa.


Kinumpirma naman ng pamahalaan ng Qatar ang pahayag ng White House.

Kahapon lang, lumitaw ang mga balita na mistulang kinakampihan ni trump ang Saudi Arabia hinggil sa naturang sigalot.
DZXL558

Facebook Comments