US President Donald Trump, nagbabalang palalawigin pa ang government shutdown

60

Amerika – Nagbanta si US President Donald Trump na palalawigin pa ang ipinatupad na federal government shutdown hanggang hindi napopondohan ang border wall.

Sa cabinet meeting niya sa ika-12 araw na ng partial shutdown, binigyan diin ni Trump na mahalaga ang nasabing pagpondo dahil ito ay para na rin sa kapakanan ng Amerika.


Dagdag pa nito na maliit na halaga lang ang $5.6 billion kung ang pag-uusapan ay ang national security.

Humingi din ng pagpupulong sa Sabado ang US President sa mga congressional leaders mula republicans at democrats matapos na walang magandang resulta sa ginawa nilang pagpupulong.

Facebook Comments

From Advertisers