US President Donald Trump – planong kausapin si North Korean Leader Kim Jong Un

64

Manila, Philippines – Bukas si US President Donald Trump na makipag-usap kay North Korean Leader Kim Jong Un.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ni Trump na ang NoKor ang pinakamalaking bantang kinakaharap ng kanyang administrasyon ngayon.
Kaya naman, kung kinakailangan aniya talagang maka-usap ang lider ng hilagang Korea ay handa ang Pangulo ng US para dito.
Matatandaang nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Amerika at NoKor nang maupo sa puwesto si Trump.

Facebook Comments