US President Donald Trump, posibleng umatras sa paris climate change agreement

World – May panibagong pasabog si US President Donald Trump sa susunod na linggo.

Ito ay matapos na sabihin ng dalawang senior US officials na tumangging magpakilala na nagbabadyang umatras si Trump sa Paris Climate Change Agreement.

Dahil dito, posibleng lumikha ng gulo sa pagitan ng mga bansang lumagda sa nasabing kasunduan na ang posibleng maging hakbang ng Amerika.


Layon ng climate deal na limitahan ang carbon emission ng mga industriyalisadong bansa para makatulong labanan ang epekto ng climate change sa mundo.

DZXL558

Facebook Comments