US President Donald Trump, sinampahan ng impeachment complaint dahil sa obstruction of justice

Amerika – Idadaan sa botohan sa US Congress ang inihaing impeachment complaint laban kay U.S. President Donald Trump.

Ang reklamo ay kasunod ng ginawang pagsibak ni Trump kay dating FBI Director James Comey habang isinasagawa ang imbestigasyon sa umano’y panghihimasok ng Russia sa US election.

Ayon kay Democratic Representative Brad Sherman, na siyang naghain ng complaint, maituturing itong obstruction of justice na sapat na batayan para isailalim si Trump sa impeachment trial.


Pero sa ngayon, tanging ang kapwa niya democrat na si Texas representative Al Green pa lamang ang nagpahayag ng pagsuporta sa isinampa niyang reklamo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments