US President Joe Biden, bumubuti ang pakiramdam habang positibo pa rin sa COVID-19

35

Patuloy ang pagbuti ng pakiramdam ni US President Joe Biden habang positibo pa rin ito sa COVID-19.

Ayon sa doktor nitong si Dr. Kevin O’Connor, pagaling na ito sa iniindang ubo habang normal naman ang temperatura, pulso, blood pressure, respiratory rate at oxygen saturation ni Biden.

Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang mahigpit na isolation measures para sa presidente maging ang work from home setup nito.


Matatandaang kakagaling lang sa isolation ni Biden Miyerkules ng nakaraang linggo matapos magpositibo sa COVID-19 noong July 21 ngunit kinumpirma na nagpositibo ulit ang world leader sa virus noong July 30 dahil sa “rebound” na nakikita sa mga pasyenteng nagpapagamot gamit ang antiviral drug na Paxlovid.

Facebook Comments