US President Joe Biden, nilagdaan na ang COVID-19 Hate Crimes Law

41

Nilagdaan na ni US President Joe Biden ang COVID-19 Hate Crimes Act na layong mapabilis ang pagrereport sa mga insidente ng krimen at diskriminasyon laban sa mga Asian Minority.

Ayon kay Biden, maraming Asian-American na ngayon ang natatakot lumabas dahil sa banta sa kanilang seguridad.


Samantala, mayroon namang 6,603 na insidente ng diskriminasyon na karamihan ay verbal insults ang naitala mula noong marso ng nakaraang taon.

Matatandaang sa botong 364 yes at 62 na no, pinagtibay na sa Kongreso ang batas nitong Martes.

Facebook Comments