US, puro lamang salita ayon kay Pangulong Duterte

320

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos dahil bigo nilang tulungan ang Pilipinas na ipaglaban ang soberenya nito sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na puro lamang salita ang Amerika.

Tanong pa ng Pangulo, kung nais tululong ng US, bakit hindi aniya sila nagpadala ng kanilang barko nang magkaroon ng standoff sa West Philippine Sea.


Una nang sinabi ni Estados Unidos na naghihintay lamang sila ng hudyat mula sa Pilipinas para tumulong sa pagpapa-alis ng Chinese Militia Ships sa mga karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments