US Republican Senators, ipinapabasura ang impeachment trial laban kay dating US President Donald Trump

90

Ipinapabasura ng ilang Republican Senators ang second impeachment trial ni dating US President Donald Trump.

Ayon kay Republican Senator Rand Paul, unconstitutional ang mosyong pagpapatalsik kayTrump dahil nilisan na nito ang kanyang pwesto bilang pangulo.


Maituturing din aniyang ‘dead on arrival in the Senate’ ang nasabing trial kung saan 45 na senador ang nagtutulak sa pagbasura sa kaso ni Trump.

Giit naman ni US Democratic Majority Leader Chuck Schumer, ang teoryang unconstitutional ay dahilan naman ng mga presidenteng gumawa ng ‘impeachable offense’ para hindi sila makulong.

Facebook Comments