US Secretary of State, bibisita sa bansa

48

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US Secretary of State Michael Pompeo.

Sa impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs, darating sa bansa si US Sec. of State Pompeo sa February 28 hanggang March 1, 2019.

Magko-courtesy call si Sec. Pompeo kay Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at nakatakdang talakayin ang usapin hinggil sa mutual interest ng 2 bansa.

Pagkatapos ang pagbisita sa bansa, magtutungo naman si US Sec. of State Pompeo sa Vietnam.

Facebook Comments