US, tatanggap na ng fully vaccinated travelers simula Nobyembre

86

Bubuksan na ng United State ang kanilang border sa mga fully vaccinated na travelers simula Nobyembre 8.

Ayon sa White House, lahat ng mga fully vaccinated mula sa 33 bansa ay maaari nang magtungo sa US basta maipakita nila ang negative COVID-19 test result na kinuha 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Bukod sa 26 European nations ay kabilang din sa maaari nang makapasok sa US ang mga mamamayan ng China, India, Iran, Ireland at South Africa.


Facebook Comments