US, tinawag ang China na “bully” sa West Philippines Sea  

Inakusahan ng White House ng Estados Unidos ang China ng “bullying tactics” para palalain ang tensyon sa South China Sea.

Ayon sa National Security Adviser ni US President Donald Trump na si John Bolton, nakakabahala ang mga hakbang ng China sa lugar upang makuha lamang nila ang likas na yaman.

Patunay na rito ang pagdadala ng kanilang mga barko, pagtatayo ng Armed Island Outpost, at binabangga ang mga fishing vessel.


Nakikiisa ang Estados Unidos lalo na sa mga kontra sa ginagawa ng China na itinuturing na banta sa Regional Peace at Security.

Facebook Comments