US TV series kung saan binatos ang Pangulo ng Pilipinas, inupakan ng Malakanyang

50

Binanatan ng Malacañang ang isang US television series na ipinapakitang binastos ng Pangulo ng Pilipinas ng kanilang Secretary of State.

 

Base sa season 3 ng TV series na “Madam Secretary”, ipinakita sa eksena na hinawakan ng Pangulo ng pilipinas ang puwitan ng US Secretary of State dahilan para sapakin ito at dumugo ang ilong ng Philippine President.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nililito ng mga taong nasa likod ng TV series ang imahe at maaring ipinapakita nila ang sariling sitwasyon ng America at hindi ng Pilipinas.

 

Aniya, mainam rin na gumamit na lamang sila ng fictional US President imbes na ang Pangulo ng Pilipinas ang ilagay sa nasabing kontrobersiyal na eksena.

Facebook Comments