Utah Jazz center Rudy Gobert at guard Donovan Mitchell, pinagmulta ng NBA

144

Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) sina Utah Jazz center Rudy Gobert at guard Donovan Mitchell dahil sa ginawa nilang pambabatikos sa mga referee matapos matalo ang kanilang team sa overtime kontra Philadelphia 76ers sa iskor na 131-123.

Halagang $20,000 ang pinataw na multa kay Gobert habang $25,000 naman kay Mitchell.


Nagkasala si Mitchell dahil sa inasal nito habang papalabas ng court matapos ma-eject ito dahil sa dalawang technical fouls at sinipa rin niya ang cooler habang papaalis sa court.

Base sa ulat, sinabi nina Gobert at Mitchell na ang mga opisyal ay hindi naging patas sa laro na nagresulta ng pagkatalo ng kanilang grupo.

Facebook Comments