Utang ng PhilHealth sa PRC, bumaba na sa halos P400 million

25

Bumaba na sa P399 million mula sa P800 million ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, nakapagbayad ng P400 million ang PhilHealth kaya malaki ang nabawas sa kanilang pagkakautang.


Umapela naman si Gordon sa PhilHealth na regular na magbayad ng kanilang utang para tuloy-tuloy ang kanilang COVID-19 test operation.

Una nang nagbanta si Gordon na ititigil nila ang kanilang COVID-19 test kapag hindi nagbayad ng utang ang PhilHealth.

Facebook Comments