Vaccination coverage ng mga batang 5-11 years old, tumaas ng halos 50%; higit 130-K na indibidwal, nabakunahan sa tatlong araw na Bakunahang Bayan ng DOH

Tumaas sa 49.3% ang vaccination coverage ng mga batang 5 hanggang 11 taong gulang sa bansa, kasunod ng tatlong araw na “Bakunahang Bayan” ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos madagdagan ng 33,239 ang bilang ng nabakunahan sa naturang age group, kung saan nasa 10.8 milyon ang target na mabakunahan ng pamahalaan.

Sa kabuuan, nasa higit 132,000 na eligible population ang nakatanggap ng unang booster shot kontra COVID-19 sa isinagawang special vaccination drive.


Ikinasa ang Bakunahang Bayan sa buong bansa mula Disyembre 5 hanggang Disyembre 7 na layong madagdagan ang booster uptake at vaccination coverage sa mga kabataan.

Facebook Comments