Vaccination site para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa 2nd dose ng Pfizer at AstraZeneca sa Taguig City, inilipat na

55

Inihayag ng Taguig City government na ililipat ng vaccination site ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa 2nd dose ng Pfizer at AstraZeneca na nakatakda ngayong araw sa Taguig City.

Base sa abiso ng Taguig Registry for Access and Citizen Engagement, ang lahat umano ng naturukan ng unang dose ng Pfizer sa Venice Mega Vaccination Hub ay inaabisuhan na magtungo sa Bonifacio High Street Mega Vaccination Hub para sa 2nd dose ng bakuna mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Paliwanag ng Local Government Unit, ang mga nakatanggap naman ng 1st dose ng AstraZeneca sa Vista Mall Mega Vaccination Hub at EM’s Signal Village Elementary School ay inaabisuhan na magtungo sa SM Aura Mega Vaccination Hub para sa 2nd dose ng bakuna mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.


Inaabisuhan naman ang lahat na magdala ng valid ID at vaccination card para sa beripikasyon.

Facebook Comments