Vaccination team ng NTF, tutungo sa BARMM upang maitaas ang vaccination coverage sa lugar

Tutulak pa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang vaccination team ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng NTF against COVID-19 na ito ang isa sa mga plano nila ngayon lalo na’t mababa pa rin ang vaccination coverage sa BARMM.

Ayon kay Herbosa, iniiwasan kasi nila na magkaroon doon ng COVID-19 outbreak dahil sa mababang vaccination coverage.


Makakatulong aniya ito upang masigurong mapupuntahan ang malalayong lugar sa BARMM para sadyain ang mga residenteng hindi pa rin nababakunahan hanggang ngayon.

Kasunod nito, muling hinikayat ni Herbosa ang mga taga-BARMM na ‘wag mag alinlangan, magpabakuna at magpa-booster shot na para sa karagdagan nilang proteksyon mula sa virus.

Facebook Comments