Vaccination team ng San Juan, nakatanggap ng regalo mula sa lokal na pamahalaan

144

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang pamamahagi ng regalo sa mga miyembro ng COVID-19 vaccination team ng lungsod.

Ginawa ang nasabing aktibibad sa Filoil Flying V Centre o San Juan Arena pasado alas-8:00 ngayong umaga.


Aniya, mahigit 350 na miyembro ng San Juan COVID-19 vaccination team ang nakatanggap ng regalo.

Kung saan bawat isa sa kanila ay nakatangap ng tig-sampung kilong bigas, hygiene kit na may lamang sabon, facemask, alcohol, tissue at iba pa.

Maliban dito, nakatanggap din sila ng isang box na relief supply mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga vaccination team ay mula sa mga vaccination site ng San Juan na naka assign sa Filoil Flying V Centre o San Juan Arena at sa may Greenhills Shopping Center.



Sinabi ni Zamora na ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanyang pasasalamat sa mga masisipag na San Juan vaccination team, at katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtiyak na lahat ng residente ng lungsod ay protektado laban sa COVID-19.

Facebook Comments