Vaccinators, handa na sakaling dumating ang mga bakuna – Dizon

45

Tiniyak ng National Task Force against COVID-19 na handa ang mga vaccinators na gawin ang immunization sa oras na dumating ang mga bakuna mula sa COVAX facility.

Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon, nakapagsagawa na ang pamahalaan ng pagsasanay ang national government at Local Government Unit ng sapat na vaccinators para mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon.


Bukod dito, tutulong din ang mga Non-government organizations (NGOs) gaya ng Philippine Red Cross (PRC) at ang pribadong sektor.

Dagdag pa ni Dizon, ang indemnification law ay magiging pamantayan sa lahat ng vaccine manufacturers.

Sa ilalim ng indemnification law, bibigyan ng kompensasyon ang mga nabakunahan ng COVID-19 vaccines na makararanas ng side effects.

Facebook Comments