“Vaccine cab,” isinusulong ni VP Robredo

30

Sinisilip ni Vice President Leni Robredo na gawing “vaccine cab” ang kanilang “swab cab” project.

Sa pamamagitan nito, makakaikot sa mga komunidad para makapagsagawa ng pagbabakuna lalo na sa mga taong hindi nakaparehistro sa vaccination program sa kanilang lugar.


Ayon kay Robredo, patuloy na tumutulong ang kanyang opisina sa COVID-19 vaccination rollout ng pamahalaan para maabot ang herd immunity status pagsapit ng Disyembre.

Pero titingnan din nila kung may sapat bang bakuna na pwedeng magamit.

Ang mga local government units (LGUs) ay pwedeng makipagtulungan sa Office of the Vice President (OVP) para sa inisyatibong ito.

Facebook Comments