Vaccine Czar Galvez, inaasahang may bitbit na magandang balita hinggil sa vaccine supply mula India

Inaasahang may bitbit na magandang balita sa Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. hinggil sa pagbili ng pamahalaan ng Coronavirus vaccines mula India.

Si Galvez ay nagtungo sa India para sa procurement ng Novavax vaccine na gawa ng Serum Institute of India.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang nasa 40 million doses ang target na maselyuhan ng pamahalaan sa Serum Institute.


Sabi naman ni Testing Czar at National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na hintayin na makauwi sa bansa si Galvez para malaman ang dala nitong balita.

Una nang sinabi ni India Ambassador to the Philippine Shambu Kumaran na ang vaccine supply ay inaasahang ipapadala sa Pilipinas sa ikalawa o ikatlong kwarter ng taon.

Facebook Comments