Vaccine Czar Galvez, tiniyak na walang problema sa cold chain facilities para sa COVID vaccines

66

Tiwala si National Action Plan agaist COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na magiging maayos ang paglalatag ng cold chain facilities kung saan ilalagay ang mga possible COVID-19 vaccines.

Ayon kay Galvez, pinaplano na nila kasama ang isang vaccine distributor ang pagkakaroon ng mga nasabing storage facilities.


Hindi tinukoy ni Galvez ang vaccine distributor.

Sa ngayon, nakikipag-usap ang pamahalaan sa iba’t ibang kumpanya para sa cold storage na may -20 hanggang -80 degrees Celcius.

Matatandaang binisita ni Galvez ang cold storage at cold chain refrigirators sa Southern Philippines Medical Center.

Facebook Comments